Ano ang ibig sabihin ng salitang malikhain?
Baybayin natin.
m-a-L-I-K-H-A-i-n
Mapapansin naka-sandwich sa isang prefix at suffix ang salitang likha. Ito ang “base word” sa pang-uri. Kapag tinukoy ang likha, ibig sabihin ay gumawa ng isang bagong produkto. Kung ating bibigyang kahulugan ang salitang malikhain, base sa teknikal na paraan, katangian ito ng isang tao na makabuo ng isang bago at kakaibang produkto.
Paano ba nagiging malikhain ang isang tao?
Sabi ng iba, ang pagiging malikhain daw ay “innate” sa lahat ng tao. Alam nating nahahati an gating utak sa dalawa – isang parte para sa katalinuhan, isang parte para sa pagiging malikhain. Sa tuwing nakagagawa ng isang bago at kakaibang bagay ang isang tao, na-a-activate daw ang “malikhaing” parte ng utak. Cognition, para sa mga cognitivist.
Sabi ng iba, nagiging malikhain ang tao dahil napaliligiran siya ng mga taong malikhain. Impluwensiya ng iba ang katangian. Kumbaga, nakukuha at “nakahahawa” ang pagiging malikhain. Modeling, sa mga termino ng behaviorists.
Sabi ng iba, “Practice makes perfect.” Utang ng isang tao sa experience ang katangiang malikhain. Nahihinang at nahuhubog ang pagiging malikhain ng isang tao kung palagi niya itong ginagawa. Theory of practice, ika nga ni Thorndike.
Sabi ko naman, walang iisang dahilan ang pagiging malikhain. Halimbawa, usong-uso ngayon sa mga talent shows sa tv ang mga tipong Madrigal Singers, Velasco Brothers, at iba pa. Malikhaing matuturing ang mga taong ito dahil nagpapamalas sila ng galing sa isang larangan at nakagagawa sila ng sarili nilang paraan. Kung titignan, genetics ang lalabas na dahilan. Ngunit, alam nating hindi nila makakamit ang ganoong lebel ng pagiging malikhain kung hindi sila dumaan sa matinding practice. Hindi nila maaabot ang ganoong galing kung hindi sila tinuruan, at hindi nila nai-model ang galaw ng mga nagturo.
Upang mas maipaliwanag ang aking “conceptualization” ng salitang malikhain, narito ang ilan sa mga itinuturong kong “works of art”.
5) Napakahilig kumain ng pamilya namin (Pero hindi kami mataba :P) kaya naman pagdating sa lutuan, mahilig kaming mag-experiment. Naging “malikhain” ako pagdating sa pagluluto at pagbebake. Hilig kong paghaluhaluin ang mga ingredients at makagawa ng isang original recipe. Nito lang, nagluto ako ng spaghetti. Kung ano ano ang nilagay ko – gumamit ako ng cheesedog, kakaibang ground meat, iba-ibang sauces at kung anu-ano pa. J Mayroon din akong signature dish. Tinatawag ko itong “beef with Nestle cream”. Lagi ko iyong niluluto sa tuwing may okasyon. Isa yata akong “certified junior chef” sa pamilya!
Hindi man mukhang masarap, apat na Tupperware lang naman ang nasimot ng friends ko :)
4) Napakahilig kong mag-lettering. Hindi ko masasabing maganda ako gumuhit ng mga larawan, ngunit lalaban ako sa iyo sa pagalingan gumuhit ng mga letra. Bumibili pa ako ng mga calligraphy books noong nasa elementary ako. Mayroon kasi kaming required subject sa school na Penmanship. Nalinang ang galing ko sa pagsusulat dahil doon. Higit na pitong taon ako kumuha ng ganoong subject. Hanggang ngayon, hilig ko pa ring magdesign ng kung ano-ano gamit ang mga letra. Marami rin akong kaibigan na nagpapagawa sa akin!
Para sa Scrapbook ng aking kapatid :)
Ilan sa mga t-shirts na gawa sa aking design :)
3) Napakahilig kong magsulat ng mga tula at kuwento. Nang mapadpad ako sa UP, kumuha ako ng kurso sa Malikhaing Pagsusulat. Sobrang na-enjoy ko ang subject na iyon. Propesor ko pa ay isang Palanca awardee kaya sobrang pressure ang naramdaman. Nalilinya ang mga gawa ko sa paksa ng sekswalidad kaya naman sa aming klase, kakaiba talaga ang ako. Nabigyan ako ng mataas na marka para sa mga gawa ko. Isa rito ang aking Villanelle, isang uri ng tula. Pasintabi sa mga taong konserbatibo; graphic masyado ang tula, kaya huwag nang basahin kung ayaw maoffend. Salamat!
FuBu¹
Mark Kenneth S. Camiling
Kaysarap sa t’wing naglalapat, ating katawan
Indayog at ungol, baliw ako sa halina
Subukan mang pigilan, tukso’y di maiwasan.
Mga dilang nag-uulapos,nag-eeskrimahan
Halikan at haplusan, nagiging pampagana
Kaysarap sa t’wing naglalapat, ating katawan.
‘Sing-init ng apoy ang tanging nararamdaman
Ang lamig ng gabi, hindi natin alintana
Subukan mang pigilan, tukso’y di maiwasan.
Tamis ng katas, hinding-hindi nalilimutan
Hinahalughog ko ang madilim mong bukana
Kaysarap sa t’wing naglalapat, ating katawan.
Ang dulas at ang lambot ng iyong kasukalan
Tila ‘sang demonyong pasukin ka ang pakana
Subukan mang pigilan, tukso’y di maiwasan.
Di ko na iniisip kung ito’y kasalanan
Di ako titigil, h’wag ka lang mawala sana
Kaysarap sa t’wing naglalapat, ating katawan
Subukan mang pigilan, tukso’y di maiwasan.
PS. Ang isa ko namang kuwento, ang “Elena” ay napili ng isang grupo sa kurso ng Film sa College of Mass Communication na gawan ng isang indie video. Nakita nilang sobrang malikhain ang kuwento kaya naman ako ay tuwang tuwa. Inuulit ko, nalilinya ang aking mga gawa sa paksang sekswalidad kaya minabuti ko nang huwag ilagay ang link ng indie film dito. Salamat sa pag-unawa.
2) Isa sa mga “milestones” ko bilang isang Special Education major ang paglikha ng isang Montessori material para sa EDSP 122. Na-test talaga ang pagiging malikhain ko sa subject na iyon. Naatasan kaming “lumikha” ng isang makabagong Montessori material na base sa pinaghalo-halong konsepto ni Montessori, ibang pang pilosopo, at ang sarili naming pilosopiya ng edukasyon. Nakagawa ako ng isang “mini theatre box” na magtuturo sa bata kung paano magsimulang magsulat. Gamit ang theater at mga puppets, magiging masaya ang pagtuturo. Pinaghirapan ko rin ang 52 wooden squares na may cut outs ng sandpaper letters. Halos isang buwan ko rin ginawa ang proyektong ito. Ngunit masasabi kong, worth it.
Ang mga sandpaper letter tiles.
Ang mini theater box ko
Ang sand tray kung saan magsusulat ang bata at ang curtains ng "theater"
1) Masasabi kong ang pinakamalikhain kong nagawa sa buhay ko ay ang mga lesson plans na naipasa ko na. Sa kurso kong Education, sandamakmak na lesson plans na ang nagawa ko. Hindi ko man masabi na lahat ng ito ay nabigyan ng matataas na marka, alam ko sa sarili ko na pinag-isipian ko ng mabuti ang mga iyon.
Isa sa napakarami kong karansan sa pagtuturo
Ikalawa at pinakapaborito kong advisory class sa review sessions
Masasabi ko bang ako ay malikhain? Isang malaking OO. :)
Mark Kenneth S. Camiling
2008-58443
EDSP 121 1st Sem 11-12