Huling regular na semestre ko na bilang isang Special Education major at UP students. Sa susunod na sesemstre, sasabak na ako sa practice teaching at wala na akong ipupunta pa sa UP. Mamimiss ko ang acad work, at hell weeks.
Huling special education major ko na ang EDSP 121. Nakuha ko na kasi ang iba pa noong mga nagdaang semestre. Bakit ko nga ba kasi hinuli ang pagkuha ng course na ito? Bakit kaya ito pa ang huling course na kinuha ko?
Noong una, narinig ko sa ilang mga special education majors na ang EDSP 121 ay “madali” lang dahil creativity “lang” naman iyon. Naisip ko rin yun sa totoo lang. Ang tanong ko nga sa sarili ko, “Bakit ba kailangang aralin pa ang creativity? Hindi ba kusa iyon dumadating sa’yo? Mapipilit mo ba ang isang taong maging creative?”
Hindi ko namalayan, ang pagkuha pala ng kursong EDSP 121 ang sasagot sa aking mga tanong.
Hindi ko inaakala na big deal pala sa special education ang creativity. Kahit na kadalasan itong naididikit sa giftedness, na isang exceptionality, malawak pala ang sakop nito. At marami pa lang pag-aaral ang ginawa dito. Huwag na huwag palang mailiitin ang konseptong ito. Nang una namin pakahulugan ang konseptong ito, nabigla ako. Ang alam ko kasi dati, ang isang tao ay nagiging malikhain lang kapag nakaiisip at nakagagawa siya ng isang bagay na bago sa paningin. Iyon pala ay hindi. Hindi lang pala dapat bago sa paningin, kundi may sense at may appropriateness, kung tawagin. Hindi malikhain ang isang bagay kung wala namang silbi ito. Napatunayan ko nga ito noong nagbasa kami ng mga artikulo patungkol sa mga Hapon. Natanto ko na hindi ko pala sila dapat masyadong hangaan dahil hindi naman pala lahat ng imbensyon nila ay “malikhain”. Dapat lang natin sila pasalamatan sa mga gamit na nagawa nilang bumago sa buong mundo.
Ako din ay nabigla nang malamang marami pa palang approaches sa pag-aaral ng creativity. Naisip ko tuloy, dati kasi sabi ko malikhain ako, nanliit yata ako sa mga pinag-usapan naming. Nagmukha akong frustrated creative person. (Hahaha!) Ngunit napakagandang malaman na maaaring maging malikhain ang isang tao o hindi depende sa kung paano mo siya tinitignan. Tunay ngang walang isang batayan ang pagiging malikhain. Idagdag mo pa ang 4Ps na ibinahagi rin. At ang mga ideya pa ng napakahirap bigkasing pangalang Csikzentmihalyi.
Naging isang malaking pagsubok din sa akin at sa mga kagrupo ko ang pag-isip ng isang workshop na DAPAT ay makakapagenhance ng creativity ng mga kaklase naming. Ngunit dahil nga kami ay may alam na sa kung paano tignan ang creativity, nakakuha naman kami ng lakas upang dumating sa isang workshop na sa tingin naming ay malikhain. Nagdaos kami ng Music Workshop (larawan sa ilalim) at naging matagumpay at nagkaroon naman ng magandang feedback.


Tunay ngang malawak at complex ang konseptong creativity. Kahit natapos ko na ang EDSP 121, hindi ko pa rin kayang umisip ng sarili kong depinisyon nito na sasakop at sasaklaw sa lahat ng napag-aralan sa klase. Ngunit isa lang ang sigurado ko, at ika nga ni Teacher Irene, huwag kalimutan na:
CREATIVITY = NOVELTY + APPROPRIATENESS