“Creativity? Nasusukat ba iyon?”
Wala talaga akong ideya kung ano ang laman ng EDSP 121. Basta ang alam ko lang, Creativity ang course title nito; idagdag pa natin ang mga testimonials ng mga kaibigan kong nakakuha ng kursong ito. But of course, alam ko namang may relevance ito sa special education, hindi dahil course offering ito ng area, kundi konektado ito sa giftedness.
Nagsimula ang klase sa pagbibigay depinisyon sa salitang creativity. “Novel and appropriate” na nga yata ang pinakasikat na depinisyon nito (atleast para sa mga nakakuha na at kumukuha pa lang ng course). Ika nga ni Teacher Irene, kalimutan niyo na lahat, huwag lang ‘yang depinisyon ng creativity. Ngunit nang madako ang diskusyon sa Approaches to Studying Creativity, tila nagsimula na akong mag-isip ng malalim.
Nasusukat ba ang pagiging novel?
Nasusukat ba ang pagiging appropriate?
Can there be something newer than new? Or more appropriate than appropriate? Can there be more creative than creative?
Ilan lang ang mga iyan sa mga tanong na bumagabag sa akin. Natalakay ang Psychometric Approach to Studying Creativity. Mind you, dito nanggaling ang Father of Creativity na si Torrance. Torrance. Torrance. Ilang beses ko na ring narinig ‘yang pangalan na ‘yan mula sa mga kaibigan kong nakatapos na sa EDSP121. Astig. Weird. Creative. Ilan lang ang mga salitang iyan upang ilarawan ang Torrance Test of Creative Thinking o TTCT. Iba nga naman ang pananaw nitong si Ginoong Torrance. Gumawa ng rubrics at exam para masukat ang creativity mo!
Hindi kasi talaga ako naniniwala na nasusukat, in terms of numbers and statistics, ang level ng pagiging malikhain ng isang tao. Ang tingin ko kasi, subjective ang lahat ng bagay. Ang mga tao lang ang nagpilit gawin itong objective. Ngunit kung ating titignan, hindi naman basta basta lang ginawa ni Torrance ang TTCT. Pinag-isipan, pinag-aralan, sinaliksik at pinatupad ito ni Torrance. Kumbaga, may “back-up” itong academician na ito.
Naging tradisyon na sa EDSP 121 (atleast sa mga klaseng hinawakan ni Teacher Irene) ang pagkuha ng TTCT sa kalagitnaan ng diskusyon sa Approaches to Creativity. At oo, isa na ako sa mga maswerteng estudyanteng nakakuha noon. Aba, may bayad kaya lahat ng standardized tests! Sa UP lang naman ako nakaranas ng libreng standardized tests, mula sa IQ at EQ Test, hanggang TTCT. Hindi ko masabing worth it ang pagkuha ko ng TTCT. At lalong hindi naman walang kwenta.
Ang TTCT ay kinabibilangan ng tatlong categories na naghahati sa pagiging creative ng isang tao. Ito ay ang Originality, Fluency, Flexibility. Originality ang nagsasabing wala kang katulad sa mga tipikal na taong sumagot ng TTCT. Fluency naman ang dami ng nalista mong sagot. At flexibility ang abilidad mong mag-isip ng pa-horizontal kung tawagin, o pagpapalawak. Hindi ko na sasabihin ang laman ng TTCT dahil isa itong standardized test at maraming kumukuha nito.
Masaya ba ako sa resulta? Aba oo. 99 ang average ko at pinagmamalaki ko iyon.
Ngunit napapaisip ako, kasi sa tingin ko hindi naman talaga ako ganoon ka-malikhain. Well, lumabas naman na Psychometrically, isa talaga akong creative person. :)
Official TTCT Result
Official TTCT Rating Sheet
No comments:
Post a Comment