Search This Blog

Friday, October 21, 2011

Of Creative Class and Best Teacher

            SocSci I: Foundations of Behavioral Sciences. Sobrang requested. 300++ ang demand sa CRS.

Prof. Chei Billedo. Cybergoddess. Creative teacher.

Isang semester na lang at aalis na ako ng UP. Baon ko ang samu’t saring karanasan na nakuha ko sa mga naging klase, guro, kaibigan, atbp. Sa mahigit 151 na units na nakuha ko, masasabi kong sapat na iyon para maikumpara ko ang mga klase at guro. Sa UP Diliman kasi, ikaw ang pipili ng subject at professor. Sobrang imposed ang freedom. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaasar dahil hinahayaan lang ang mga estudyante.

Anyway, isang magandang pribilehiyo naman nito ang pagpili ng subjects mula sa Revitalized General Educatio Program ng UP of RGEP.  Hindi ko na palalawigin pa ang usaping RGEP dahil hindi naman iyon ang layunin ng blog entry ko na ito. Kumuha ako ng SocSci I noong summer. Registration Assistant (RA) at Graduating status kasi ako sa CRS kaya napagbigyan ako. Sa dami ba naman ng demands ng subject na ito, himala na lang yata kung matanggap ka.

Hindi pala ako nakapasok sa unang araw ng klase sa SocSci I, kasi nag-usher ako sa Parangal 2011, ang graduation rites ng Kolehiyo ng Edukasyon. Namiss-out ko raw ang magandang “Introduce Yourself” game ni Ma’am Chei. Pangalawang araw ng klase, napansin kong halos lahat ng kasama ko sa loob ay mga freshman. Naisip ko, “Patay, ako na naman ang ibobotong leader kapag may mga group activities. Minsan ayaw mo maging graduating talaga, o kahit na maging mas matanda lang sa loob ng classroom.” Buti na lang wala pang masyadong group activities.

Dalawang oras kada araw ng Summer ang klase namin. Unti-unting naging maganda at interesante ang mga usapan namin. Ang galing nga ni Ma’am Chei kasi parang hindi naming maramdaman na nagkaklase kami. Tulad nga ng sinabi ko kanina, masasabi kong isang creative na guro si Ma’am Chei. Bakit?

a.       Maliban sa fresh na fresh ang hitsura at damit niya sa tuwing pumapasok siya sa klase, fresh na fresh rin ang mga ideas niya. Laging updated at angkop na angkop ang mga halimbawang kanyang ginagamit. Halimbawa, nang talakayin naming ang tungkol sa mga hard at soft sciences, talagang siya ay nagsaliksik pa ng mga data at statistics tungkol dito. Novel at appropriate.

b.      Isa pang ikinatutuwa ko sa klase ay ang pagpapalit at pagbibihis ni Ma’am Chei. Kadalasan, pumapasok siyang nakagayak sa panahon na aming tatalakayin. Paminsan ay dinadamay niya pa kami at sinasabihan na magdamit din kami. Halimbawa, nang talakayin naming ang kultura noong 80’s, lahat kami ay nagdamit pang-80’s. (Larawan sa ibaba) Maganda ito dahil parang ikaw ay napupunta talaga sa panahong iyon. Novel at appropriate.

c.       Ibang-iba rin ang mga fun games at activities ni Ma’am Chei – mula individual, pair at groups. At laging hindi nawawala ang humor sa kanyang mga activities. Ilan sa mga ginawa naming ay nagsadula kami ng mga pinagmulan ng mundo, nag-ulat tungkol sa iba’t ibang kultura, gumawa ng skit, nagsolve ng puzzles at iba pa. At lahat ng ito ay higit na konektado sa kung anong tinatalakay naming. Novel at appropriate.

Ilan lamang iyan sa mga naobserbahan kong mga ginawa ni Ma’am Chei na masasabing malikhain. Kapag dating naman sa partisipasyon ng klase, gaya nga ng nabanggit ko sa itaas, in-demand talaga si Ma’am Chei at wala siyang estudyanteng ayaw mag-enjoy at matuto ng sabay. J







___________________________________________________________
Sources:

No comments:

Post a Comment