Search This Blog

Friday, October 21, 2011

The 4Ps of Ate Shai

                Requirement: Interview a person whom you think is creative based on the 4Ps of creativity.

                Nahirapan talaga ako ng sobra sa pag-iisip kung sino ang aking kakausapin at kakapanayamin na malikhain at base pa sa 4Ps ng creativity.

                Person.
                Process.
                Product.
                Press.

                Sino ba ang taong maiisip kong nasasaklaw ang lahat ng P na iyon. Hmm.. Sa totoo lang, naisip ko agad ang aking tiya na bata pa. (oo my tiya akong bata dahil sa koneksyong komplikado sa pamilya, kumbaga 3rd degree na tiyahin ko na siya). Siya ay si Sheiha Pedido. Si Ate Shai, kung tawagin ko, ay isang 25 years old na dalaga na nakapagtapos ng BS Hotel and Restaurant Management sa Trinity University of Asia. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho ngayon sa Ortigas, sa isang BPO/Call Center. Hindi ko alam bakit siya napadpad sa ganoong trabaho ngunit nais ko siyang ipakilala rito bilang isang malikhaing tao.

Ate Shai and the Creative Person

                Muslim ang nanay ni Ate Shai kaya naman noong bata pa lang siya, tinuturuan na siyang gumawa ng mga makukulay na damit gamit ang iba’t ibang tela. Nakagagawa siya ng mga damit ng kanyang manika noong una, ngunit nang magtagal ay gumagawa na siya ng mga pamunas, basahan at iba pa. Nang makausap ko siya, sabi niya ay karaniwang pagtatahi lamang iyon. Nanghingi ako ng mga halimbawang gawa niya, ngunit sabi niya ay naiwan na iyon sa Tawi-Tawi, kung saan siya pinanganak at lumaki hanggang 5 years old. Nang marinig ko iyon, naisip ko agad na cognitively, isang malikhain si Ate Shai kasi namana niya agad sa kanyang nana yang talent sa pagtatahi. Hanggang ngayon daw ay nagtatahi siya, ngunit hindi na para makagawa ng mga pamunas at damit ng manyika, kundi para sa sarili niyang gamit.

Ate Shai and the Creative Process

                Si Ate Shai ay mahilig talaga sa adventures at iba pa. Mahilig siyang magimbento ng kung ano-anong maisip niya. Tulad nga ng sinabi ni Czsikzentmihalyi, naaabot ang pinakamataas na pagiging malikhain kung mayroon mataas na difficulty ang isang bagay. Si Ate Shai, bilang adventurous, ay sumasabak kahit saan. Nagtayo nga siya ng isang grupo na nagbibigay pagkakataon sa mga banda upang makatugtog sa mga bar at gigs. Minsan naman, bigla bigla na lang daw siyang nakakaisip ng kung anong gawain at agad agad niya itong sisimulan.

Ate Shai and the Creative Product

                Small-scale entrepreneur si Ate Shai. Dahil nga sa kinuha niyang kurso, naging praktikal siya at gumawa ng sariling paraan upang kumita ng dagdag pera. Habang siya ay nag-aaral, sinubukan niyang magbenta ng mga cookies, polvoron, ref cake, brownies at iba pang baked products. Tumatanggap din siya ng mga paluto sa mga parties, pa-dinner o pa-lunch at pabirthday. Malikhain si Ate Shai kasi iba daw ang recipe na ginagamit niya. Pinaghahalo halo niya raw ang gma natutunan niya sa kolehiyo at sinama ang mga kakaiba niyang ideya. Kasalukuyan siyang tumigil muna sa pagtitinda dahil sa kulang ang kanyang oras.

Ate Shai and the Creative Press

Gaya ng nabanggit ko sa itaas, nagbibigay si Ate Shai ng pagkakataon sa mga banda. Malapit kasi ang puso niya sa mga ito dahil ang boyfriend niya sa kasalukuyan ay isang band member. Nagoorganize siya ng mga gigs at nakakukuha rin minsan ng mga bandang sikat. Kung tutuusin, mahirap iyon kasi kailangan mong makipagusap sa napakaraming tao at makipagnegotiate sa mga kumpanya, ngunit dahil malikhain si Ate Shai, nagagawan niya ng paraan lahat. Mayrron siyang mga personalidad na magaling makipagusap sa kapwa at magaling uma-adapt sa society. Nang minsang makasama ako sa gig na kanyang inorganisa, nakita ko na magaling nga siya sa field na iyon. Magaling nga talagang mag-manage si Ate Shai.

Iilan lang ang mga katangiang nabanggit ko at natanong k okay Ate Shai. Hindi ko rin naman kasi siya nakasama ng matagal dahil marami siyang ginagawa. Iiwan ko na lang sa inyo ang kahulugan ng creativity para sa kanya.

“Creativity.. di ba yung yung nag-iisip ka ng isang bagay na magsastand-out sa lahat. Pero syempre ang strand-out factor niya ay yung kung ano ang gamit niya, kung ikagaganda ba ng buhay mo, o buhay ng iba.”

paminsan ay pumapasok rin siya sa photography

nakapunta na rin siya sa ibang bansa upang magtrabaho

http://www.facebook.com/shaipedido?sk=photos - Ang link ng kanyang Facebook account

No comments:

Post a Comment