Theater Workshop
Noong high school ako, ilang beses din akong nagkaroon ng “roles” sa iba’t ibang plays at skits. Hindi ko naman hilig ang umarte, pero nag-enjoy ako sa tuwing ginagawa ko ito. Hindi ko naman masasabing “bano” ako sa pag-arte, dahil nagagawa ko namang makabisado ang script, at mailabas ang emosyong kinakailangan ng istorya.
Nang malaman kong ang workshop na inihanda ng isang grupo sa klase ay theater, medyo na-excite ako sa kung ano ang lalamanin nito. Nang magsimula ang workshop, maganda na mayroong panauhing eksperto talaga sa field ng theater. Isang actor mula sa Ateneo at kasalukuyang nag-aaral ng kanyang pangalawang degree sa culinary arts. Tunay ngang hindi masusukat ang creativity sa kung ano ang bokasyon mo. Tulad na lang ni Sir, nagtapos sa Ateneo at culinary arts ang inaaral, samantalang isa pala siyang magaling na actor sa teatro.
Nang magsimula ang mga activities at exercises, naging mataas ang energy ng mga tao. Mayroong speech exercises, improvisation, at skit. Kung susumahin, naging maganda naman ang takbo ng workshop. May ilan lang akong puntos na gusting linawin. Nagkulang ang grupo ng sintesis sa kung ano ang relevance ng theater workshop sa edukasyon, lalo na ng mga estudyanteng gifted. Maaari sanang naging “gifted” din ang lebel ng pagsasagawa ng workshop.
Recycling Workshop
Sa makabagong panahon naimbento ang mga pinaka-advanced na teknolohiya. Nauso ang cellphone, camera, social networking sites, blogging (tulad ng ginagawa ko ngayon) at iba pa. Halos bawat taon ay may inilalabas na bagong edisyon ng mga teknilohiyang ito. Kumbaga, na-alter na nga nang tuluyan ang society natin. Isa sa mga pinakamagandang (o pinakapangit para sa mga realists) imbensyon ay ang Photoshop. Layunin ng Photoshop na i-edit ang mga pictures upang maging mas maganda ang mga ito (o minsan upang maging pangit atbp).
Kaya naman naisip ng isang grupo sa klase na magkaroon ng Photoshop Workshop. Pinagdala nila kami ng laptop at ilang mga larawang aming ie-edit. Nagkaroon ng kaunting tutorial at nagsimula na kaming gumawa. Naging maganda naman ang flow, ngunit hindi ko na naman nakita ang koneksyon at relevance nito sa edukasyon at sa kung anong pinag-aaralan naming sa klase.

Origami Workshop
Origami ay isang classic para sa akin. Bata pa lang ako mahilig na akong magtutupi ng mga papel para bumuo ng iba’t ibang hayop, gamit, atbp. Kaya naman ako ay natuwang labis nang magsabi ang isang grupo na kami ay mag-oorigami. Hindi masyadong maganda ang pagkakagawa ng workshop dahil tila kahit ang mga nagtuturo ay nagugulahan at hindi mahawakan ng maayos ang klase. Sa huli, ginamit naming ang mga nagawang origami sa pagbuo ng isang malikhaing kwento na ipinakita sa klase.
Photoshop Workshop
Sa makabagong panahon naimbento ang mga pinaka-advanced na teknolohiya. Nauso ang cellphone, camera, social networking sites, blogging (tulad ng ginagawa ko ngayon) at iba pa. Halos bawat taon ay may inilalabas na bagong edisyon ng mga teknilohiyang ito. Kumbaga, na-alter na nga nang tuluyan ang society natin. Isa sa mga pinakamagandang (o pinakapangit para sa mga realists) imbensyon ay ang Photoshop. Layunin ng Photoshop na i-edit ang mga pictures upang maging mas maganda ang mga ito (o minsan upang maging pangit atbp).
Kaya naman naisip ng isang grupo sa klase na magkaroon ng Photoshop Workshop. Pinagdala nila kami ng laptop at ilang mga larawang aming ie-edit. Nagkaroon ng kaunting tutorial at nagsimula na kaming gumawa. Naging maganda naman ang flow, ngunit hindi ko na naman nakita ang koneksyon at relevance nito sa edukasyon at sa kung anong pinag-aaralan naming sa klase.

Coffee Painting Workshop
Naaalala ko noong high school, lagi kong binababad yung papel na pagsusulatan ko ng project ko sa kape para mabigyan ng kaunting sepia-look. Maliban sa magiging maganda ang texture ng papel, nagiging mabango at amoy kape pa. Salungat sa ganito ang ginawa ng isang grupo sa klase. Kami ay nag-coffee painting. Gamit ang kape, kami ay gumuhit ng kahit anong maisipan namin. Masasabi kong bago ito ngunit hindi appropriate. Kinulang na naman sa sintesis ang grupo, at hindi ko nakita ang koneksyon.


Bento Box Workshop
Naging isang malaking hit ang mga Koreans at Japanese nitong nagdaang ilang taon. Hanggang ngayon, karamihan pa rin sa kabataang Pilipino ang kasalukuyang naaadik sa mga banyagang kanta na inaawit ng mga mapuputi at chinitong may mahahabang buhok na nakadamit ng ibat’ ibang kulay – na sabay-sabay gumalaw. Kasabay ng mga musika nila ang pagdating din ng mga telenovela. Dito na nagsimula ang lahat; mula sa musika, sayaw, pagkain, fashion.
At isa ang Bento Box sa mga impluwensya ng mga Japanese sa makabagong panahon. Ang Bento Box ay parang lunch box kung saan ginagawang masaya ang paghahanda ng pagkain. Parang painting/sculpture ng mga iba’t ibang sangkap ang nangyayari. Ito ang naisip ipagawa ng isang grupo sa aming klase. Narito ang litrato:

Commercial Workshop
Naisip ng isa pang grupo ang paggawa ng mga commercials. Una ay nagbigay sila ng kaunting background sa mga advertisement at saka kami pinagawa ng sariling amin. Naging maikli lang ang takbo ng mga dahil medyo huli nagsimula. Ngunit hindi ko na naman nakita ang koneksyon nito sa edukasyon at sa mga pinag-aralan namin. Narito ang ilang mga larawan.

__________________________________________________________
Ang mga larawang nakalagay ay hindi pag-aari ng blogger. Nakuha ito
mula sa mga kaklase.
No comments:
Post a Comment