Search This Blog

Friday, October 21, 2011

EDSP 121: Sintesis

                Huling regular na semestre ko na bilang isang Special Education major at UP students. Sa susunod na sesemstre, sasabak na ako sa practice teaching at wala na akong ipupunta pa sa UP. Mamimiss ko ang acad work, at hell weeks.

                Huling special education major ko na ang EDSP 121. Nakuha ko na kasi ang iba pa noong mga nagdaang semestre. Bakit ko nga ba kasi hinuli ang pagkuha ng course na ito? Bakit kaya ito pa ang huling course na kinuha ko?

                Noong una, narinig ko sa ilang mga special education majors na ang EDSP 121 ay “madali” lang dahil creativity “lang” naman iyon. Naisip ko rin yun sa totoo lang. Ang tanong ko nga sa sarili ko, “Bakit ba kailangang aralin pa ang creativity? Hindi ba kusa iyon dumadating sa’yo? Mapipilit mo ba ang isang taong maging creative?”

                Hindi ko namalayan, ang pagkuha pala ng kursong EDSP 121 ang sasagot sa aking mga tanong.

                Hindi ko inaakala na big deal pala sa special education ang creativity. Kahit na kadalasan itong naididikit sa giftedness, na isang exceptionality, malawak pala ang sakop nito. At marami pa lang pag-aaral ang ginawa dito. Huwag na huwag palang mailiitin ang konseptong ito. Nang una namin pakahulugan ang konseptong ito, nabigla ako. Ang alam ko kasi dati, ang isang tao ay nagiging malikhain lang kapag nakaiisip at nakagagawa siya ng isang bagay na bago sa paningin. Iyon pala ay hindi. Hindi lang pala dapat bago sa paningin, kundi may sense at may appropriateness, kung tawagin. Hindi malikhain ang isang bagay kung wala namang silbi ito. Napatunayan ko nga ito noong nagbasa kami ng mga artikulo patungkol sa mga Hapon. Natanto ko na hindi ko pala sila dapat masyadong hangaan dahil hindi naman pala lahat ng imbensyon nila ay “malikhain”. Dapat lang natin sila pasalamatan sa mga gamit na nagawa nilang bumago sa buong mundo.

                Ako din ay nabigla nang malamang marami pa palang approaches sa pag-aaral ng creativity. Naisip ko tuloy, dati kasi sabi ko malikhain ako, nanliit yata ako sa mga pinag-usapan naming. Nagmukha akong frustrated creative person. (Hahaha!) Ngunit napakagandang malaman na maaaring maging malikhain ang isang tao o hindi depende sa kung paano mo siya tinitignan. Tunay ngang walang isang batayan ang pagiging malikhain. Idagdag mo pa ang 4Ps na ibinahagi rin. At ang mga ideya pa ng napakahirap bigkasing pangalang Csikzentmihalyi.

                Naging isang malaking pagsubok din sa akin at sa mga kagrupo ko ang pag-isip ng isang workshop na DAPAT ay makakapagenhance ng creativity ng mga kaklase naming. Ngunit dahil nga kami ay may alam na sa kung paano tignan ang creativity, nakakuha naman kami ng lakas upang dumating sa isang workshop na sa tingin naming ay malikhain. Nagdaos kami ng Music Workshop (larawan sa ilalim) at naging matagumpay at nagkaroon naman ng magandang feedback.



                Tunay ngang malawak at complex ang konseptong creativity. Kahit natapos ko na ang EDSP 121, hindi ko pa rin kayang umisip ng sarili kong depinisyon nito na sasakop at sasaklaw sa lahat ng napag-aralan sa klase. Ngunit isa lang ang sigurado ko, at ika nga ni Teacher Irene, huwag kalimutan na:

CREATIVITY = NOVELTY + APPROPRIATENESS

Of Creative Class and Best Teacher

            SocSci I: Foundations of Behavioral Sciences. Sobrang requested. 300++ ang demand sa CRS.

Prof. Chei Billedo. Cybergoddess. Creative teacher.

Isang semester na lang at aalis na ako ng UP. Baon ko ang samu’t saring karanasan na nakuha ko sa mga naging klase, guro, kaibigan, atbp. Sa mahigit 151 na units na nakuha ko, masasabi kong sapat na iyon para maikumpara ko ang mga klase at guro. Sa UP Diliman kasi, ikaw ang pipili ng subject at professor. Sobrang imposed ang freedom. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaasar dahil hinahayaan lang ang mga estudyante.

Anyway, isang magandang pribilehiyo naman nito ang pagpili ng subjects mula sa Revitalized General Educatio Program ng UP of RGEP.  Hindi ko na palalawigin pa ang usaping RGEP dahil hindi naman iyon ang layunin ng blog entry ko na ito. Kumuha ako ng SocSci I noong summer. Registration Assistant (RA) at Graduating status kasi ako sa CRS kaya napagbigyan ako. Sa dami ba naman ng demands ng subject na ito, himala na lang yata kung matanggap ka.

Hindi pala ako nakapasok sa unang araw ng klase sa SocSci I, kasi nag-usher ako sa Parangal 2011, ang graduation rites ng Kolehiyo ng Edukasyon. Namiss-out ko raw ang magandang “Introduce Yourself” game ni Ma’am Chei. Pangalawang araw ng klase, napansin kong halos lahat ng kasama ko sa loob ay mga freshman. Naisip ko, “Patay, ako na naman ang ibobotong leader kapag may mga group activities. Minsan ayaw mo maging graduating talaga, o kahit na maging mas matanda lang sa loob ng classroom.” Buti na lang wala pang masyadong group activities.

Dalawang oras kada araw ng Summer ang klase namin. Unti-unting naging maganda at interesante ang mga usapan namin. Ang galing nga ni Ma’am Chei kasi parang hindi naming maramdaman na nagkaklase kami. Tulad nga ng sinabi ko kanina, masasabi kong isang creative na guro si Ma’am Chei. Bakit?

a.       Maliban sa fresh na fresh ang hitsura at damit niya sa tuwing pumapasok siya sa klase, fresh na fresh rin ang mga ideas niya. Laging updated at angkop na angkop ang mga halimbawang kanyang ginagamit. Halimbawa, nang talakayin naming ang tungkol sa mga hard at soft sciences, talagang siya ay nagsaliksik pa ng mga data at statistics tungkol dito. Novel at appropriate.

b.      Isa pang ikinatutuwa ko sa klase ay ang pagpapalit at pagbibihis ni Ma’am Chei. Kadalasan, pumapasok siyang nakagayak sa panahon na aming tatalakayin. Paminsan ay dinadamay niya pa kami at sinasabihan na magdamit din kami. Halimbawa, nang talakayin naming ang kultura noong 80’s, lahat kami ay nagdamit pang-80’s. (Larawan sa ibaba) Maganda ito dahil parang ikaw ay napupunta talaga sa panahong iyon. Novel at appropriate.

c.       Ibang-iba rin ang mga fun games at activities ni Ma’am Chei – mula individual, pair at groups. At laging hindi nawawala ang humor sa kanyang mga activities. Ilan sa mga ginawa naming ay nagsadula kami ng mga pinagmulan ng mundo, nag-ulat tungkol sa iba’t ibang kultura, gumawa ng skit, nagsolve ng puzzles at iba pa. At lahat ng ito ay higit na konektado sa kung anong tinatalakay naming. Novel at appropriate.

Ilan lamang iyan sa mga naobserbahan kong mga ginawa ni Ma’am Chei na masasabing malikhain. Kapag dating naman sa partisipasyon ng klase, gaya nga ng nabanggit ko sa itaas, in-demand talaga si Ma’am Chei at wala siyang estudyanteng ayaw mag-enjoy at matuto ng sabay. J







___________________________________________________________
Sources:

The 4Ps of Ate Shai

                Requirement: Interview a person whom you think is creative based on the 4Ps of creativity.

                Nahirapan talaga ako ng sobra sa pag-iisip kung sino ang aking kakausapin at kakapanayamin na malikhain at base pa sa 4Ps ng creativity.

                Person.
                Process.
                Product.
                Press.

                Sino ba ang taong maiisip kong nasasaklaw ang lahat ng P na iyon. Hmm.. Sa totoo lang, naisip ko agad ang aking tiya na bata pa. (oo my tiya akong bata dahil sa koneksyong komplikado sa pamilya, kumbaga 3rd degree na tiyahin ko na siya). Siya ay si Sheiha Pedido. Si Ate Shai, kung tawagin ko, ay isang 25 years old na dalaga na nakapagtapos ng BS Hotel and Restaurant Management sa Trinity University of Asia. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho ngayon sa Ortigas, sa isang BPO/Call Center. Hindi ko alam bakit siya napadpad sa ganoong trabaho ngunit nais ko siyang ipakilala rito bilang isang malikhaing tao.

Ate Shai and the Creative Person

                Muslim ang nanay ni Ate Shai kaya naman noong bata pa lang siya, tinuturuan na siyang gumawa ng mga makukulay na damit gamit ang iba’t ibang tela. Nakagagawa siya ng mga damit ng kanyang manika noong una, ngunit nang magtagal ay gumagawa na siya ng mga pamunas, basahan at iba pa. Nang makausap ko siya, sabi niya ay karaniwang pagtatahi lamang iyon. Nanghingi ako ng mga halimbawang gawa niya, ngunit sabi niya ay naiwan na iyon sa Tawi-Tawi, kung saan siya pinanganak at lumaki hanggang 5 years old. Nang marinig ko iyon, naisip ko agad na cognitively, isang malikhain si Ate Shai kasi namana niya agad sa kanyang nana yang talent sa pagtatahi. Hanggang ngayon daw ay nagtatahi siya, ngunit hindi na para makagawa ng mga pamunas at damit ng manyika, kundi para sa sarili niyang gamit.

Ate Shai and the Creative Process

                Si Ate Shai ay mahilig talaga sa adventures at iba pa. Mahilig siyang magimbento ng kung ano-anong maisip niya. Tulad nga ng sinabi ni Czsikzentmihalyi, naaabot ang pinakamataas na pagiging malikhain kung mayroon mataas na difficulty ang isang bagay. Si Ate Shai, bilang adventurous, ay sumasabak kahit saan. Nagtayo nga siya ng isang grupo na nagbibigay pagkakataon sa mga banda upang makatugtog sa mga bar at gigs. Minsan naman, bigla bigla na lang daw siyang nakakaisip ng kung anong gawain at agad agad niya itong sisimulan.

Ate Shai and the Creative Product

                Small-scale entrepreneur si Ate Shai. Dahil nga sa kinuha niyang kurso, naging praktikal siya at gumawa ng sariling paraan upang kumita ng dagdag pera. Habang siya ay nag-aaral, sinubukan niyang magbenta ng mga cookies, polvoron, ref cake, brownies at iba pang baked products. Tumatanggap din siya ng mga paluto sa mga parties, pa-dinner o pa-lunch at pabirthday. Malikhain si Ate Shai kasi iba daw ang recipe na ginagamit niya. Pinaghahalo halo niya raw ang gma natutunan niya sa kolehiyo at sinama ang mga kakaiba niyang ideya. Kasalukuyan siyang tumigil muna sa pagtitinda dahil sa kulang ang kanyang oras.

Ate Shai and the Creative Press

Gaya ng nabanggit ko sa itaas, nagbibigay si Ate Shai ng pagkakataon sa mga banda. Malapit kasi ang puso niya sa mga ito dahil ang boyfriend niya sa kasalukuyan ay isang band member. Nagoorganize siya ng mga gigs at nakakukuha rin minsan ng mga bandang sikat. Kung tutuusin, mahirap iyon kasi kailangan mong makipagusap sa napakaraming tao at makipagnegotiate sa mga kumpanya, ngunit dahil malikhain si Ate Shai, nagagawan niya ng paraan lahat. Mayrron siyang mga personalidad na magaling makipagusap sa kapwa at magaling uma-adapt sa society. Nang minsang makasama ako sa gig na kanyang inorganisa, nakita ko na magaling nga siya sa field na iyon. Magaling nga talagang mag-manage si Ate Shai.

Iilan lang ang mga katangiang nabanggit ko at natanong k okay Ate Shai. Hindi ko rin naman kasi siya nakasama ng matagal dahil marami siyang ginagawa. Iiwan ko na lang sa inyo ang kahulugan ng creativity para sa kanya.

“Creativity.. di ba yung yung nag-iisip ka ng isang bagay na magsastand-out sa lahat. Pero syempre ang strand-out factor niya ay yung kung ano ang gamit niya, kung ikagaganda ba ng buhay mo, o buhay ng iba.”

paminsan ay pumapasok rin siya sa photography

nakapunta na rin siya sa ibang bansa upang magtrabaho

http://www.facebook.com/shaipedido?sk=photos - Ang link ng kanyang Facebook account

Thursday, October 20, 2011

WORKSHOPS: Creativity Enhancement

Isa sa mga requirements sa EDSP 121 ang makapagbigay ng isang workshop sa buong klase ang bawat grupo. Narito ang mga naganap at ilang mga larawan. :)

Theater Workshop


                Noong high school ako, ilang beses din akong  nagkaroon ng “roles” sa iba’t ibang plays at skits. Hindi ko naman hilig ang umarte, pero nag-enjoy ako sa tuwing ginagawa ko ito. Hindi ko naman masasabing “bano” ako sa pag-arte, dahil nagagawa ko namang makabisado ang script, at mailabas ang emosyong kinakailangan ng istorya.

                Nang malaman kong ang workshop na inihanda ng isang grupo sa klase ay theater, medyo na-excite ako sa kung ano ang lalamanin nito. Nang magsimula ang workshop, maganda na mayroong panauhing eksperto talaga sa field ng theater. Isang actor mula sa Ateneo at kasalukuyang nag-aaral ng kanyang pangalawang degree sa culinary arts. Tunay ngang hindi masusukat ang creativity sa kung ano ang bokasyon mo. Tulad na lang ni Sir, nagtapos sa Ateneo at culinary arts ang inaaral, samantalang isa pala siyang magaling na actor sa teatro.

                Nang magsimula ang mga activities at exercises, naging mataas ang energy ng mga tao. Mayroong speech exercises, improvisation, at skit. Kung susumahin, naging maganda naman ang takbo ng workshop. May ilan lang akong puntos na gusting linawin. Nagkulang ang grupo ng sintesis sa kung ano ang relevance ng theater workshop sa edukasyon, lalo na ng mga estudyanteng gifted. Maaari sanang naging “gifted” din ang lebel ng pagsasagawa ng workshop. 




Recycling Workshop

                Sa makabagong panahon naimbento ang mga pinaka-advanced na teknolohiya. Nauso ang cellphone, camera, social networking sites, blogging (tulad ng ginagawa ko ngayon) at iba pa. Halos bawat taon ay may inilalabas na bagong edisyon ng mga teknilohiyang ito. Kumbaga, na-alter na nga nang tuluyan ang society natin. Isa sa mga pinakamagandang (o pinakapangit para sa mga realists) imbensyon ay ang Photoshop. Layunin ng Photoshop na i-edit ang mga pictures upang maging mas maganda ang mga ito (o minsan upang maging pangit atbp).

                Kaya naman naisip ng isang grupo sa klase na magkaroon ng Photoshop Workshop. Pinagdala nila kami ng laptop at ilang mga larawang aming ie-edit. Nagkaroon ng kaunting tutorial at nagsimula na kaming gumawa. Naging maganda naman ang flow, ngunit hindi ko na naman nakita ang koneksyon at relevance nito sa edukasyon at sa kung anong pinag-aaralan naming sa klase.





Origami Workshop

                Origami ay isang classic para sa akin. Bata pa lang ako mahilig na akong magtutupi ng mga papel para bumuo ng iba’t ibang hayop, gamit, atbp.  Kaya naman ako ay natuwang labis nang magsabi ang isang grupo na kami ay mag-oorigami. Hindi masyadong maganda ang pagkakagawa ng workshop dahil tila kahit ang mga nagtuturo ay nagugulahan at hindi mahawakan ng maayos ang klase. Sa huli, ginamit naming ang mga nagawang origami sa pagbuo ng isang malikhaing kwento na ipinakita sa klase.



Photoshop Workshop

                Sa makabagong panahon naimbento ang mga pinaka-advanced na teknolohiya. Nauso ang cellphone, camera, social networking sites, blogging (tulad ng ginagawa ko ngayon) at iba pa. Halos bawat taon ay may inilalabas na bagong edisyon ng mga teknilohiyang ito. Kumbaga, na-alter na nga nang tuluyan ang society natin. Isa sa mga pinakamagandang (o pinakapangit para sa mga realists) imbensyon ay ang Photoshop. Layunin ng Photoshop na i-edit ang mga pictures upang maging mas maganda ang mga ito (o minsan upang maging pangit atbp).

                Kaya naman naisip ng isang grupo sa klase na magkaroon ng Photoshop Workshop. Pinagdala nila kami ng laptop at ilang mga larawang aming ie-edit. Nagkaroon ng kaunting tutorial at nagsimula na kaming gumawa. Naging maganda naman ang flow, ngunit hindi ko na naman nakita ang koneksyon at relevance nito sa edukasyon at sa kung anong pinag-aaralan naming sa klase.



Coffee Painting Workshop

                Naaalala ko noong high school, lagi kong binababad yung papel na pagsusulatan ko ng project ko sa kape para mabigyan ng kaunting sepia-look. Maliban sa magiging maganda ang texture ng papel, nagiging mabango at amoy kape pa. Salungat sa ganito ang ginawa ng isang grupo sa klase. Kami ay nag-coffee painting. Gamit ang kape, kami ay gumuhit ng kahit anong maisipan namin. Masasabi kong bago ito ngunit hindi appropriate. Kinulang na naman sa sintesis ang grupo, at hindi ko nakita ang koneksyon.




Bento Box Workshop

                Naging isang malaking hit ang mga Koreans at Japanese nitong nagdaang ilang taon. Hanggang ngayon, karamihan pa rin sa kabataang Pilipino ang kasalukuyang naaadik sa mga banyagang kanta na inaawit ng mga mapuputi at chinitong may mahahabang buhok na nakadamit ng ibat’ ibang kulay – na sabay-sabay gumalaw. Kasabay ng mga musika nila ang pagdating din ng mga telenovela. Dito na nagsimula ang lahat; mula sa musika, sayaw, pagkain, fashion.

                At isa ang Bento Box sa mga impluwensya ng mga Japanese sa makabagong panahon. Ang Bento Box ay parang lunch box kung saan ginagawang masaya ang paghahanda ng pagkain. Parang painting/sculpture ng mga iba’t ibang sangkap ang nangyayari. Ito ang naisip ipagawa ng isang grupo sa aming klase. Narito ang litrato:


Commercial Workshop

                Naisip ng isa pang grupo ang paggawa ng mga commercials. Una ay nagbigay sila ng kaunting background sa mga advertisement at saka kami pinagawa ng sariling amin. Naging maikli lang ang takbo ng mga dahil medyo huli nagsimula. Ngunit hindi ko na naman nakita ang koneksyon nito sa edukasyon at sa mga pinag-aralan namin. Narito ang ilang mga larawan.


__________________________________________________________
Ang mga larawang nakalagay ay hindi pag-aari ng blogger. Nakuha ito
mula sa mga kaklase.


Japan: Cradle of Inventions

Top Ten Modern Japanese Inventions

3. Floppy Disk
Invented by the irrepressible Dr. Nakamats in 1952 andsubsequently licensed along with a dozen other storage devices patents to IBM in 1979. Over the intervening 50years since the invention, there have been at least70,000,000,000 floppy disks of various sizes and capacities produced, and rumor has it that he receives a royalty on each one!

6. Compact discs
Although the person who invented the original concept of storing music as data on an optical medium was American inventor James Russell, it is commonly acknowledged that the current CD standard and viable player system were“co-invented” by a large development team from both Sony and Phillips of Holland, in 1980 (the group started the project in 1979). The CD went on to become the standard for all new music for 20 years and will probably continue for another 20. No one knows how many CDs have been produced globally, but extrapolating from RIAA shipments in the USA,one can guess the global number to be at least 1.5bn units ayear.

            Kilala ang mga Japanese bilang pinakamagaling pagdating sa imbensyon. Sa kanilang kasaysayan, milyong milyong imbensyon na ang kanilang napakita sa buong mundo. Karamihan sa mga ito ay mga naging instrumental sa paglaganap ng kaunlaran hindi lang sa kanilang bansa, ngunit sa buong mundo.


            Sa kabilang banda, lahat ba ng imbensyon ng mga Japanese ay makatutulong sa lahat, o sa Ingles, utilitarian o “for the greater good”? Sa totoo lang, sa paghahanap ko ng mga imbensyon ng mga Japanese, marami rami rin akong nakitang hindi naman ganoon kalaki ang importansya. Sa totoo nga, mismong mga kalahi na nilang Hapon ang nagsasabing wala masyadong kwenta ang ibang imbensyon.

            Bilang isang estudyante ng EDSP 121 na pinag-aralan ang Creativity, hindi man sa maka-eksperto paraan ngunit akademiko naman, masasabi kong ang mga Japanese ay hindi naman lahat malikhain. Pinakahulugan sa klase ang salitang creativity at dalawang salita lang ang makakapagsuma nito: novel (pagiging bago) at appropriate (pagiging matulungin sa kahit anong aspeto). Masasabi kong magaling ang mga Japanese sa paggawa ng isang bagay na bago sa paningin ng mundo ngunit kung ang importansya at gamit nito ang pag-uusapan, doon na nagkakatalo.

            Ngunit kung ako ay tatanungin kung ano ang pinakamagandang imbensyon ng mga Japanese, ang masasabi ko ay ang mga floppy disks at compact discs. Ang mga ito ang ginagamit natin ngayon upang mai-save ang mga computer files natin, importante man o hindi.

Unang lumabas ang mga floppy disks bago pumasok ang ikalawang siglo. Nagtagal din ito at naging sobrang matulungin sa makabagong teknolohiya. Dito naililipat ang mga files na nagagawa sa isang computer. Mayroon itong memory at maganda ang hitsura nito.

floppy disk

Ang compact discs naman o CD kung tawagin natin, ay may parehas lang na gamit gaya ng floppy disks. Nga lang, mas malaki na ang memoryang bitbit ng mga compact discs. Hanggang ngayon ay sobrang nakatutulong pa rin ang mga CD. Pinapadali nito ang buhay opisina, eskwelahan at iba pa. 
compact disc

Ang imbensyong ito ng mga Japanese ay hindi lang bago, kundi more than appropriate pa dahil binago nito ang buong mundo..


_________________________________________________
Sources:

Wednesday, October 19, 2011

GOWAN: Redefined

  We tackled how students develop through various stages. And one of the most complex theories is Gowan's integration of his ideas with Erikson's and Piaget's. Below is the table he made, and following the one our group made make it simpler to understand. :)
THE ERIKSON-PIAGET-GOWAN PERIODIC DEVELOPMENTAL STAGE CHART
DEVELOPMENTAL
LEVELS
(see below)
ATTENTIONAL 
MODES (see across)
---------------------------------
DEVELOPMENTAL
LEVELS (see below)
LATENCY
3  it,  they
THE WORLD
IDENTITY
1  I,  me
THE EGO
CREATIVITY
2  thou
THE OTHER
INFANT
ERIKSON
(Affective)
PIAGET
(Cognitive)
TRUST vs. MISTRUST
1
SENSORIMOTOR vs.
CHAOS
AUTONOMY vs.
SHAME AND DOUBT
2
PREOPERATIONAL
vs. AUTISM
INITIATIVE vs
GUILT

INTUITIVE vs.
IMMOBILIZATION
YOUTH
ERIKSON
(Affective)
PIAGET-GOWAN
(Cognitive)
INDUSTRY vs.
INFERIORITY
4
CONCRETE OPER'NS
vs. NON-CONSERVATION
IDENTITY vs.
ROLE DIFFUSION
5
FORMAL OPERATIONS
vs. DEMENTIA PRAECOX
INTIMACY vs.
ISOLATION
6
CREATIVITY vs
AUTHORITARIANISM
ADULT
ERIKSON
(Affective)
GOWAN
(Cognitive)
GENERATIVITY vs.
STAGNATION
7
PSYCHEDELIA vs.
CONVENTIONALISM
EGO-INTEGRITY
vs. DESPAIR
8
ILLUMINATION vs.
SENILE DEPRESSION
.

  

 PATATEAM'soutput

_____________________________________________________
Image Source
http://www.csun.edu/edpsy/Gowan/page51p.html

Gotta Answer Them All!

So, my groupmates and I invented a creative game as a requirement in EDSP 121. It turned out great and fun. Haha. So here are the details! Enjoy!

PS. If I were good at computer science, I would definitely create this game.

Downloaded the font and created the game logo


Goal:

To be a superior intellectual by competing with other intellectuals

Details:

                You represent a player. Every starting game, you will have an attaché case where you will put your notes and things. This will serve as your “equipment” and travelling bag.

                You will start as an average intellectual. You will gain IQ points for every question answered. Questions are released upon challenging a person around the vicinity. Every challenge corresponds to certain categories:

SCIENCE


GENERAL INFORMATION

MATH

A question answered wrong will not reduce your IQ points but increase the challenger’s. You will be promoted to next level after achieving certain IQ points. You can buy items that can aid you in challenges in the Shopping Center. You can buy there dictionaries, books, calculating machines, etc. You may use your IQ points to buy these things.


                Once you have reached the superior level, and gain the highest possible number of IQ points, the game is over. :)


_____________________________________________________

Image Sources:

Tuesday, October 18, 2011

TOLERANCE TO TORRANCE (Test of Creative Thinking)

            
    “Creativity? Nasusukat ba iyon?”

                Wala talaga akong ideya kung ano ang laman ng EDSP 121. Basta ang alam ko lang, Creativity ang course title nito; idagdag pa natin ang mga testimonials ng mga kaibigan kong nakakuha ng kursong ito. But of course, alam ko namang may relevance ito sa special education, hindi dahil course offering ito ng area, kundi konektado ito sa giftedness.

                Nagsimula ang klase sa pagbibigay depinisyon sa salitang creativity. “Novel and appropriate” na nga yata ang pinakasikat na depinisyon nito (atleast para sa mga nakakuha na at kumukuha pa lang ng course). Ika nga ni Teacher Irene, kalimutan niyo na lahat, huwag lang ‘yang depinisyon ng creativity. Ngunit nang madako ang diskusyon sa Approaches to Studying Creativity, tila nagsimula na akong mag-isip ng malalim.

                Nasusukat ba ang pagiging novel?

                Nasusukat ba ang pagiging appropriate?

                Can there be something newer than new? Or more appropriate than appropriate? Can there be more creative than creative?

                Ilan lang ang mga iyan sa mga tanong na bumagabag sa akin. Natalakay ang Psychometric Approach to Studying Creativity. Mind you, dito nanggaling ang Father of Creativity na si Torrance. Torrance. Torrance. Ilang beses ko na ring narinig ‘yang pangalan na ‘yan mula sa mga kaibigan kong nakatapos na sa EDSP121. Astig. Weird. Creative. Ilan lang ang mga salitang iyan upang ilarawan ang Torrance Test of Creative Thinking o TTCT. Iba nga naman ang pananaw nitong si Ginoong Torrance. Gumawa ng rubrics at exam para masukat ang creativity mo!

                Hindi kasi talaga ako naniniwala na nasusukat, in terms of numbers and statistics, ang level ng pagiging malikhain ng isang tao. Ang tingin ko kasi, subjective ang lahat ng bagay. Ang mga tao lang ang nagpilit gawin itong objective. Ngunit kung ating titignan, hindi naman basta basta lang ginawa ni Torrance ang TTCT. Pinag-isipan, pinag-aralan, sinaliksik at pinatupad ito ni Torrance. Kumbaga, may “back-up” itong academician na ito.

                Naging tradisyon na sa EDSP 121 (atleast sa mga klaseng hinawakan ni Teacher Irene) ang pagkuha ng TTCT sa kalagitnaan ng diskusyon sa Approaches to Creativity. At oo, isa na ako sa mga maswerteng estudyanteng nakakuha noon. Aba, may bayad kaya lahat ng standardized tests! Sa UP lang naman ako nakaranas ng libreng standardized tests, mula sa IQ at EQ Test, hanggang TTCT. Hindi ko masabing worth it ang pagkuha ko ng TTCT. At lalong hindi naman walang kwenta.

                Ang TTCT ay kinabibilangan ng tatlong categories na naghahati sa pagiging creative ng isang tao. Ito ay ang Originality, Fluency, Flexibility. Originality ang nagsasabing wala kang katulad sa mga tipikal na taong sumagot ng TTCT. Fluency naman ang dami ng nalista mong sagot. At flexibility ang abilidad mong mag-isip ng pa-horizontal kung tawagin, o pagpapalawak. Hindi ko na sasabihin ang laman ng TTCT dahil isa itong standardized test at maraming kumukuha nito.

                Masaya ba ako sa resulta? Aba oo. 99 ang average ko at pinagmamalaki ko iyon.

             Ngunit napapaisip ako, kasi sa tingin ko hindi naman talaga ako ganoon ka-malikhain. Well, lumabas naman na Psychometrically, isa talaga akong creative person. :)

Official TTCT Result

Official TTCT Rating Sheet

Approaches to Creativity: Simplified

Nang mapag-aralan namin ang Approaches to Creativity, hindi talaga ako makapaniwala na ganoon pala ka-complex ang konsepto ng Creativity. Upang mas maging malinaw at maging "layman" ang pag-intindi sa Approches to Creativity, narito ang ginawa ng aming grupo!

Creativity according to
…comes from
…is for a few or for everyone
…always present
…consists of
…can be developed
…is exemplified by (3 examples)
MYSTICAL
(Proponents):
Plato


the idea that creativity comes from Divine intervention
Creativity is only for those who are “selected” by the Muse.
No. It comes on times you least expect it.
an empty vessel that a divine being would fill with inspiration.
when an individual pour the inspired ideas forming an other wordly product.
A poet writing what her muse Dictate

Choral writers that base compositions on inspirations

The Tiboli women of Cotabato who base their abaca weave designs on their dreams.

PRAGMATIC
(Proponents):
Edward de Bono



the idea of practical creativity – seeing things from different points of view/perspectives that lead to commercial success.

The idea that creativity is focused on application, not research.
Creativity is for everyone
Yes. People have potentials that can be tapped by certain activities like using analogies, etc.
Generative thinking, intuitive thinking, data-based thinking, critical thinking – multi-perspective thinking
Accdg to Adams (1974/1986) and Oech (1983), by identifying and removing “mental blocks” to avoid ambiguity

Accdg to Oech (1986), by assuming the roles of an explorer, artist, judge, and warrior

Accdg to de Bono (1992), by seeing things in a larger view – generalized thinking, looking at many perspectives for varied solutions


Brainstorming
Synectics
Thinking hats
PSYCHODYNAMIC
(Proponents):
Sigmund Freud



Idea that the clash of unconscious and conscious thoughts produces creativity
For writers and artists
Yes
Psychoanalytic approach; aggressive regression; elaboration
Conduct study to ordinary artists
Problem solving, daydreaming, giving insights
PSYCHOMETRIC
(Proponents):
Guilford


Based from the idea that creativity could be studied in everyday life through paper and pen tests.
It is applicable for everyone.
Yes because this approach can be seen everyday and can be conducted to any people
Divergent thinking tasks; Verbal and figural tasks; tests which involve problem-solving skills
Yes by setting criteria in judging what is creative in a certain activity.
Creation/invention of unusual products/businesses;

Making a composition which shows what might an inanimate object would say or think

Making use of unconnected words to form sensible story; unusual uses test; Torrence tests of creative thinking
COGNITIVE
(Proponents):
Finke, Ward, Smith


The idea that creativity sprouts from the normal cognitive processes.
Creativity is for everyone.
Everybody has the ability to be creative
two main processing phases: generative and exploratory.
by solving puzzles and problems, use of technology
Coming up with a tool based on various objects

Candle problem

Computer simulation/Heuristics
SOCIAL PERSONALITY
(Proponents):
Amabile, Barron, Eysenck, Gough, MacKinnon


The belief that certain characteristics define creativity and the societal influences provided by the surrounding.
For a few, since this approach requires the possession of certain characteristics (such as boldness, spontaneity, and attraction to complexity) which some people do not have or is not willing to have.
For a few, since the approach gives certain characteristics for an individual to be considered creativity which is not present for everyone.
“personality variables, motivational variables, and the sociocultural environment”
YES, since the society affects the personalities achieved by an individual, they can still acquire this certain characteristics provided by the theorists.
The ambahan (primitive form of poetry) of Mangyans.

 Appreciation of a work of art (eg. painting) which is very complicated for a layman.

Cooking a new and exotic food which defines risk-taking and boldness. 
CONFLUENCE
(Proponents):
Amabile, Csikszentmihalyi, Gardner, Gruber, Lubart, Mumford and Gustafson, Perkins, Simonton, Sternberg, Weisberg, Woodman and Schoenfeldt



The different approaches of creativity combined together.
For everyone, since it taps all of the approaches of creativity, it tends to consider everyone who has one or more of these approaches.
YES. Since it is a combination of all approaches of creativity, it will be present everywhere.
Accdg. To Amabile: “intrinsic motivation, domain-relevant knowledge and abilities, and creativity-relevant skills.”

Accdg. To Gruber: Development of individual’s purpose, knowledge, and affect/emotion.

Accdg to Csikszenthmihalyi: “interaction of the individual, domain, and field.”


YES, since most of the definition given by the theorists deal with development or growth of inner skills of an individual, it can be developed.
Product-packaging designs

Movie/Play production

Song/Multimedia Production